KANABATA 27
Sa airport ay nagkakagulo naman ang lahat ng mga tao, kababaihan, at ilang mga media, reporter, blogger at lahat ng nakakaalam na uuwi si Haylle Elgrande, ang sikat na football player sa Europe. Alam ng lahat ang kanyang nalalapit na pagdating, kaya naman ng makita na nito ang napakaraming tao, lumiko ito sa pinakamalapit na rest room.
"Nasaan na naman si Haylle, nariyan ang lahat ng kanyang fans, wala ba siyang balak na harapin ang mga ito na naghihintay sa kanya?" tanong ni Shiera na siyang tumatayong manager nito sa kanyang laro, at mga comercial na iniindorso. "Hindi ba ikaw ang manager? Bakit ako ang tinatanong mo? Iba ang papel ko sa kanya, at iyon ay tiyaking matutuhan niyang kontroling mabuti ang powers niya, malayo sa trabaho mo," masungit na sambit nio Shiera. Sila na mga full blooded werewolf ay hindi rin kahit kailan tumatanda.
"Ewan ko sayo! Fillberth, baka nakakalimutan mo na pareho na tayo ng katayuan ngayon, hindi mo na ako utusan ha, umayos ka ng mga pananalita mo sa akin!" singhal naman ni Shiera sa lalaking si Fillberth. Natatawa na lang si Haylle sa di kalayuan, paano ay sa araw-araw na nakakasama niya ang dalawa ay parati na lamang itong nagbabangayan.
"Para na silang mga tao, isip bata," sambit ni Haylle. At mabilis na naglaho sa lugar na kinaroroonan nito.
Lumitaw ito sa labas ng airport, kaya lang ay ankita siya ng isang reporter na iniidolo pala siya. At nagsisigaw ito, at tinawag ang ibang kasamahan, "Naloko na!" pumihit siya at muling tumakbo, nang makapagtago sa poste ay agad na naglahong parang bula.
Lumitaw ito sa harap ng mansiyon ng mga Elgrande, nang makita nitong nakita siya ng isa sa mga gwardiya ay agad niya iyong ginamitan ng kapangyarihan upang makalimot sa nakita nito. "Kumusta?" bati niya sa gwardiya.novelbin
"Ah! S-sir kanina pa ba kayo diyan? Bakit wala ho kayong sasakyan?" tanong nito.
"Ha! A eh, nag-taxi na lang ako, pero doon palang ay bumaba na ako, gusto kong makita ang paligid ng buong mansiyon," sagot niya sa guard na noon ay nagtataka.
Pumasok na siya sa loob ng bakuran nila, may nadama siyang kakaiba, pero hindi niya pinansin, nagpatuloy siya sa pamamasyal sa loob ng kanilang bakuran. Panaka-naka siyang mapalingon, pakiramdam niya kasi ay may nakatingin sa kanya. "So Weird!" sambit niya. Nagpatuloy na lamang siyang naglakad hanggang sa kamapasok sa loob ng kanilang kabahanyan. Walang pinagbago ang kanilang mansiyon, halos dalawangpung taon siyang nawala, naalala niyang walong taong gulang siya ng ipasama na siya ng kanyang ina kina Uncle Fillberth at Antie Shiera. Ang dalawang umalalay at nagturo sa kanya kung paano maging isang ganap na werewolf.
"Hello!" malakas niyang salita. Nakadipa pa ang dalawang kamay upang salubungin ng yakap ang kanyang ina.
"Haylle!" napatayo si Polina at patakbong nilapitan ang anak. Hindi nila alam na may isang nilalang sa kalayuan ang nakamasid sa kanila, at masama ang mga tingin sa kanila. Lalo na kay Haylle.
Muling napalingon si Haylle sa labas ng kanilang binatana. "Ma, you know why? I have something to feel, so strange!" wika pa ni Haylle sa ina habang nakayakap si Polina sa kanyang anak na miss na miss niya.
Alam niyang kung wala ito, maaring hindi na siya mabuhay, at umasang babalik pa ang mahal niyang si Hyulle. Ngunit paulit-ulit na pinaalala ng anak na buhay pa ang kanyang ama, at hihintayin nila ang pagbabalik nito sa kanila. "Ganon ba anak, pagod ka lang siguro, masyado bang maraming mga fans mo ang sumalubong sa iyo?" tanong niya nang sabay pa silang lumakad patungo sa sala, upang doon umupo.
"Aling Dalhia, maglabas muna kayo ng anumang maiinom, narito ang inyong senyorito," sigaw niya sa isa sa kanilang mga kasambahay. Lumibot naman ang paningin ni Haylle sa buong kabahayan nila.
Hindi pa rin iyon nagbabago, hindi pa rin iniiba ng kanyang mama ang mga naroon, tulad noon ay lumang telebisyon pa rin ang nakalagay sa sala, tila ba nasa 90's pa rin ang panahon sa loob ng kanilang talahanan. "Bakit hindi pa kayo bumibili ng mga makabagong kagamitan, at mga luma ay alisin na," sambit ni Haylle.
"Huwag nariyan ang mga ala-ala ng iyong Papa, ayokong ibahin o galawin iyan, sa pagbabalik niya gagawa tayo ng mga panibagong alaala." sambit niya na ngumiti pa ng ubod ng tamis.
Ang lambing niya at mga matatamis na ngiti ang siyang nagpaigting ng galit ng isang nilalang na hindi nila namamalayang naroon at nawawala, mamaya ay lilitaw uli.
Nagulat silang pareho ng magsisigaw ang mga tigapagsilbi sa kusina.
"Madam! May halimaw ho yata! O mabangis na hayop ang nakapasok sa ating bahay!"sambit ni Aling Tina.
"Ano!" napatayo si Haylle, upang protektahan ang kanyang ina.
Lost in the world of this story? Make sure you're on Ne5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!
At isang iglap ay isang malahalimaw na nilalang ang tumambad sa kanila. Ang itsura nito ay gaya sa isang tao, ngunit mahahaba ang mga balahibo nito sa buong katawan, sa kamay, paa, at ang malapad na dibdib nito ay makapal na rin ang itim na itim na balahibo.
Kung titingnang mabuti ay kahalintulad nito ang mga halimaw na werewolf na nilipol na niya noon, twenty-eigth years ago, ngunit sino ito na nasa harapan nilang muli.
"Tumabi ka mama, baka ka niya saktan! Baka naamoy niya ang dugo mo at nais niyang higupin iyon para lumakas siya!" sambit ni Haylle sa kanya. Dahil ang halimaw ay nakatitig lamang kay Polina, at tinatangka siyang lapitan. Ngunit humarang si Haylle, at naglabas ng pangil, hindi rin mapigilan ni Haylle ang sarili, ang mga tao sa paligid ay nawalan ng mga malay tao dahil sa nakakagulat na nakita sa kanila.
"Haylle! Mag-iingat ka!" sambit niya sa kanyang anak, na may pag-aalala. Ngunit nang lapitan ni Polina ang kanyang anak at yakapin ay lalong nagwala ang halimaw.
Galit itong naglabas ng mga pangil muli, at ang mga kuko nito sa dalawang kamay ay humaba at muling naging matalim. Hindi maunawaan ni Polina kung bakit sa mga oras na iyon ay tila wala siyang magawa. Para bang hindi niya magawang magamit ang kanyang kapangyarihan sa halimaw na nasa kanyang harapan.
Tumitibok rin ng malakas at mabilis ang kanyang puso. Napahawak siya sa kanyang dibdib at nadama niya ang malakas na kalabog ng puso niya. Na para bang nakadarama ng tuwa at saya.
Nang itinaas na ng lalaking werewolf na mistulang halimaw ang kanyang mga kamay upang unadayan ng matatalim na kuko nito ang kanyang anak, malakas siyang napasigaw!
"Huwag!" napakalakas niyang sigaw sa lalaking werewolf dahil alam niyang maari nitong mapatay ang kanyang anak. At hindi iyon maaring mangyari.