CHAPTER 4
Nagising ang diwa ni Nicola ng may naramdaman syang nakadagan na mabigat na bagay sa may tiyan nya. Dahan-dahan nyang ibinuka ang kanyang mga mata para lang makita ang mukha ng isang estrangherong mahimbing na natutulog sa tabi nya. Ang estranghero'ng nagpalasap sa kanya ng hindi maipaliwanag na sarap at pansamantanlang nagpalimot sa poot na nadarama.
Napangiti siya at nagpapasalamat sa binata sa isip nya. Ingat na ini-angat nya ang matipunong braso nito na bahagyang nakayakap sa bewang nya, at dahan-dahang tumayo.
Ngunit nakagat nalang ni Nicola ang ibabang labi at nanghihinang napa-upo sa gilid ng kama nang makaramdam sha ng sakit lalo na sa ibabang bahagi ng katawan nya. Uminit ang pisngi nya nang maalala ang rason kung bakit masakit ang katawan nya.
Kahit lasing siya kagabi ay buhay na buhay naman ang diwa niya kaya ni isa sa ginawa nila ay wala siyang nakakalimutan. At lalo nang hindi siya nagsisisi na ibinigay niya ang pagka babae niya sa estrangherong ito.
Napaigtad si Nicola at mariing naipikit ang kanyang mga mata ng bahagyang gumalaw ang lalaki. Dahan-dahang nya itong liningon at mahina syang nagpapasalamat ng patuloy itong mahimbing na natutulog. "Hoooo..." nagpakawala sha nang hangin sa dibdib nya.
Kahit masakit ang katawan nya, pinilit parin ni Nicola na tumayo at pinulot ang kanyang mga saplot sa sahig at dahan-dahan itong sinuot.Content is © 2024 NôvelDrama.Org.
Last night was a wonderful and an unforgettable experience for her.
Ngunit wala siyang lakas ng loob na harapin ang binata. Hindi siya nagsisisi na nagyari ang lahat ng iyon pero nahihiya siya dito. Tama na na nangyari iyon at wala nang dapat pang pag-usapan pa.
Kaya nang nasuot na niya ang kanyang dress ay agad nyang pinulot ang kanyang bag na hindi niya maalala kung paano ito napunta dito. Nagkibit-balikat nalang siya at napailing na lang sha sa sarili.
Walang ingay siyang naglakad papunta sa may lamesa ng may nakita syang papel at ballpen doon. May isinulat siya doon at pagkatapos ay inipit niya ang papel na iyon sa bulsa ng pantalon ng lalaki na nasa sahig. Dahan-dahan siyang naglakad ng patiyad papunta sa pintoan at kagat-labing pinihit ang door knob bago kumaripas palabas sa kwarto.
Nakahinga siya ng maluwag at walang lingon-likod siyang lumabas ng hotel at dali-daling sumakay ng taxi papauwi sa bahay nila.
"O anak, sa'n ka ba galing kagabi at bakit ngayon ka lang nakauwi?" 'yan ang bungad sa kanya ng kanyang ina pagdating niya sa bahay nila.
Nagmano muna siya dito bago sinagot ang kanyang ina, "Pasensya na Ma, nag-overnight lang po kami ng mga dating kasamahan ko sa trabaho.", pagsisinulang niya dito.
It's just 6AM in the morning at naabutan niya ang ina nyang nagwawalis sa labas ng bahay nila, Sunday ngayon kaya walang trabaho ang ina nya.
"Ah gano'n ba? E di sana nag reply ka man lang sa mga mensahe ko anak. Pinag-alala mo ako kagabie eh." sabi sa kanya ng Mama niya na nagpakonsensya sa kanya.
Nakagat nya ang kanyang ibabang labi at hindi na niya napigilan ang maluha, "Sorry, Ma. Sorry, kung pinag-alala kita. Di ko sinasadya, Ma. Sorry.", paulit-ulit niyang hingi ng tawad dito.
Ni misan ay hindi siya kailanman nagsinungaling sa Mama niya kaya hindi niya mapigilang makonsensya. Ayaw niya itong mag-alala sa kaniya kaya hindi niya ito sinabihan tungkol do'n sa dalawang malapit sa kanya ngunit nagawa siyang pinagtaksilan.
Kaya nga naisipan niyang pumunta nalang sa isang bar ng mag-isa sa pagbabakasakaling makalimutan ang sakit na nadarama ngunit nagkakamali siya. Mas lalo lang niyang naramdaman na mag-isa Ing siya at wala siyang ni isa na mapaglabasan ng sama ng loob.
Ngunit ang hindi niya inaasahan ay may dadating pala na kahit paano'y nagpalimot sa kanya sa lahat ng iyon kahit sa panandaliang panahon lamang.
"Hay nako'ng bata ka. Ano bang problema mo? Alam mo namang andito lang ako palagi at handang makinig sa'yo diba?" malumanay na sabi ng ina nya sa kanya.
Kahit pa anong tago nya sa problema niya alam niyang wala siyang lusot sa Mama niya. Kilalang-kilala siya nito at alam nito kung may itinatago man siya. Ayaw man sana niyang ibahagi ang tungkol doon sa ex-boyfriend at bestfriend niya, wala na siyang nagawa kung hindi ang ikwento ang buong nangyari.
"Hindi nga ako nagkamali at may problema kang tinatago sakin.", usal ng Mama niya pagkatapos niyang ikwento ang lahat dito, "Halika nga dito, anak.", binitawan ng Mama nya ang walis at linagay iyon sa gilid. Pinagpagan nito ang kamay at ipinunas iyon sa soot nitong damit pang-bahay bago siya binigyan ng mahigpit na yakap ng ina.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Nicola let herself cry in her mother's arms. She felt so much warmth and comfort in her mother's embrace.
Malaki ang pasasalamat ni Nicolah dahil alam niyang kahit ano man ang mangyari ay andiyan palagi ang ina niya na nagmamahal sa kanya at gumagabay sa kanya. "Wag kang mag-alala anak at bata ka pa naman. Minsan sa buhay may mga tao talagang makakagawa ng kasalanan at makakasakit sa atin.
Pero ang huwag mo'ng kakalimutan ay ang magpatawad. Lagi mong pakatatandaan na kahit ano man kabigat ang nagawa nila sa'yo, at kahit hindi man sila manghingi ng tawad sa iyo, 'wag na wag mong hahayaan ang sarili mo at ang puso mo na malunod sa galit." mataman na sabi ng Mama ni Nicola sa kanya. "Alam kung hindi ito magiging madali para sayo, kaya bigyan mo muna ang sarili mo nang oras. Darating din ang panahon na mapapatawad mo na sila ng hindi mo man lang namamalayan.", her mother gave her a warm smile and hugged her again tightly.
"Thank you, Ma," she answered and hugged her back.
Matapos nilang mag-usap ng ina nya sa labas ay pumasok na sila nang bahay nila. Ang mama niya na ang nag presinta na magluto ng almusal nila dahil pinagpalit muna siya nito bago kumain. Pagkatapos nilang mag-almusal ay pinagpahinga agad siya nito pagkatapos siyang painomin nang pain reliever. Alam na kasi ng Mama niya na nakainom siya kagabi kahit hindi nya pa ito sabihin dito.
***
Hapon na nang magising siya at nakatingin lamang si Nicolah sa kisame ng kwarto niya ng maalala ang gwapong lalaki kagabi.
"Ano kayang pangalan niya?" nakangusong sambit niya sa sarili niya bago napag-isipang lumabas na sa kwarto niya.
Pagkalabas niya ay agad nyang nakita ang Mama niyang nanonood ng tv sa may sala nila.
"O anak, gising kana pala. Kamusta pakiramdam mo? Masakit pa ba ulo mo?" tanong agad ng ina nya nang makita siya nito.
Agad siyang lumapit dito at malambing na yinakap ang ina, "Ma, thank you. Ang swerte ko talaga at ikaw ang naging Mama ko.", nakangiti nyang usal dito.
Malapit na talaga siya sa ina nya simula pagkabata hanggang ngayon na 23 taong gulang na siya. Kahit mag isa lang syang itinaguyod ng kanyang ina ay hindi ito kailan man nagkulang ng aruga at pagmamahal sa kanya.
Hindi niya alam kung sino ang ama niya dahil hindi ito kailanman nabanggit o ipinakilala ng ina niya sa kanya. Minsan ay gusto niya sanang tanungin ang ina niya patungkol sa ama niya pero nawawalan siya ng lakas na tanungin iyon. May parte kasi sa kanyang natatakot siya sa hindi malamang kadahilanan. At isa pa alam niyang may rason ang ina niya kung bakit ito hindi sinasabi sa kanya kaya inirerespeto niya iyon.
"Ay nako po, ang anak ko'y naglalambing eh.", natatawang sabi ng Mama nya na nagpatawa din sa kanya.
"Nga pala Ma, may pupuntahan ako bukas. Mag sa-submit ako ng resume do'n sa isang agency kung saan ako makakapag-apply sa restaurant na renecommend ng dati kong supervisor. Sabi niya malaki daw ang sahod doon at palaging may bayad ang overtime hindi tulad ng dati kong pinagtrabahuan na puro pa thank you lang.", pagpapaalam niya sa ina para sa lakad niya bukas.
Kaka-resign nya lang kasi sa dati nyang pinagtrabahuan, ang pangit-pangit kasi ng management doon tapos hindi pa marunong magbayad ng overtime. Kailangan nya din kasi ng malaki-laking sahod kaya napagdesisyonan nyang maghanap ng bagong pagtatrabahoan. Buti nalang at iyong dating supervisor nya ay nakapagsabi sa kanya na may hiring daw sa pinagtatrabahoan non din ngayon.
Gusto niya kasing mag-ipon para mabigyan niya na ng sariling bahay ang Mama nya, nangungupahan lang kasi sila hanggang ngayon. At saka gusto nya na din sanang wag na itong pag trabahuin bilang lady guard sa isang maliit na companya. Tumatanda na kasi ang Mama nya kaya gusto nya nalang sana itong pagpahingahin sa bahay nila.
"Ay nako anak, congrats in advance. Alam kong kayang-kaya mo iyan at maha-hire ka kaagad.", mataas nitong kompyansa para sa kanya.
Bahagya syang natawa sa sinabi ng mama, "Naku sana nga, Ma. Para naman makapag-ipon na ako, tapos bibili tayo ng bahay pagdating ng panahon.", sagot nya dito at tinaas baba ang mga kilay nya.
Napangiti at napailing nalang ang ina nya sa sinabi nya.
To be continued...