Her Name Is Monique

CHAPTER 11: I Miss You Gelo



(Prince)

Nakalabas na kami ni Patty sa guess house ng tuluyang lumaki ang apoy. Nagkakagulo na sa labas habang buhat buhat ko si Patty na wala ng malay. Sinalubong kami ng mga Zairin boys maging ang mga Professor namin at kinamusta ang kalagayan namin. Nang makita ng mga Zairin boys ang kalagayan ni Patty sobrang pag-aalala ang mga nakarehistro sa mga mukha ng mga ito. Tinulungan nila ako na mailagay sa hospital bed si Patty. Bago ko bitawan ang kamay niya bahagyang pinisil ko muna iyon. Magiging okay lang siya piping dasal ko habang tinitingnan ang pag-alis ng ambulance na sinasakyan nito.

Nakita kong umiiyak ang kaibigan nitong si Lina. Hindi ko ito masisisi kasi hindi rin naman nito inaasahan na mangyayare ang ganitong aksidente. Aksidente nga ba? I have a bad feeling about this. Pakiramdam ko sinadya ito dahil mismong kwarto lang nila Patty ang nag-aapoy lumaki lang ang apoy kaya nadamay na ang katabing kwarto.

Si Renz naman ay nabagsakan ng kahoy sa entrance pa lamang ng kwarto ni Patty dahil sa pagmamadali na pagligtas rito kaya hindi na niya alam ang gagawin. Nawalan din siya ng malay. Binuhat ko ito at maagap na nadala sa hospital na pagmamay-ari din ng pamilya nito.

"Sigurado ka bang okay ka lang, dude?" nag-aalalang tanong ni Luke sa akin.novelbin

"O-okay lang ako medyo masakit lang ang katawan ko." sagot ko naman na hinimas ang kaliwang balikat. Hindi nabawasan ang pag-aalala ng mga ito. "Huwag kayong mag-alala, okay lang talaga ako." nakangiting turan ko sa kanila. Natawa ako sa mga itsura nila para silang mga hindi mapaanak na pusa.

"Sobrang nag-alala kami ng mapansin na nagliliyab ang guess house pero mas nag-alala kami ng malaman na mismong kwarto ni Pat-Pat ang pinagmumulan ng apoy." ani Vince na mababakas doon ang sobrang pag-aalala.

"Kaya nga iyong si Pareng Renz agad agad tumakbo ng malaman namin na kela Princess na kwarto iyon." sabi rin ni Clark

"Hindi ba kayo nagtataka?"

"What?"

"Ang sabi ng friend niya na si Lina. Nasa Cr. daw si Patty ng iwan niya kaya naman nauna na siyang lumabas. Binalikan niya ito agad para sana sabihin na magsisimula na ang bonfire pero pagbalik niya doon tulog na tulog si Patty. Hindi nga daw naka-ayos ng higa, basta na lang nakabulagta sa kama. Ginigising niya ito pero hindi magising." napakunot noo ako sa narinig. Nakakapagtaka naman talaga. "Bakit hindi niya sinabi sa atin or kahit sa mga professor man lang."

"Iyong nga ang ipinagtataka ko."

"Wala naman daw silang naiwan na nakasaksak or nakasindi na may apoy kaya hindi niya alam kung saan nanggaling ang apoy." tagtatakang turan naman ni Niko. Napaisip sila sa mga nalaman. Paano nga ba magkakaroon ng apoy doon ng biglaan tapos tulog na tulog pa si Patty?

Ilang sandali pa dumating na ang mga bumbero para apulahin ang apoy kasunod naman ang mga pulis para imbestigahan naman ang nangyare. Sumunod na kami sa hospital na pinagdalhan kila Patty at Renz na hindi naman ganoon kalayo. May mga pinsala akong natamo pero mga galos lamang ito pero need i-confine dahil sa marami din ang nalanghap kong usok. I wonder kung okay na si Patty. Gusto ko siyang puntahan sa kwarto niya pero may suwero na nakakabit sa'kin. Hindi rin ako hinahayaan ng mga nurse na umalis muna sa bed dahil baka kung ano daw ang mangyare sa'kin. Nabalitaan ko naman na bumalik na sa manila at pinauwi na sa kani-kanilang bahay ang lahat ng estudyante doon. "Prince! Anak, nasaan ang anak ko?" narinig ko ang boses ni Mom mula sa labas ng pinto ng kwarto na inuukopa ko. Mabilis na bumukas iyon at bumungad ang sobrang nag-aalalang mukha ni Mommy kasunod si Dad na mukhang galing pa sa office. Ngumiti ako sa kanila na dali-dali namang lumapit sa kinaroroonan ko. Ibinuka ko ang mga magkabilang braso ko para yakapin si mom pero nagulat ako ng hampasin ako nito sa kaliwang balikat dahilan para mapaigik ako sa sakit.

Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Oh my god! Are you okay anak? I'm sorry. Ikaw naman kasi pinag-alala mo ako, kami ng Daddy mo. Ano ba kasi ang naisipan mo at sinuong mo ang nagliliyab na apoy na 'yun? Ha? Bakal ka ba?" mangiyak ngiyak na sunod sunod na tanong nito. Hindi ko mapigilang mapangiti sa nakikitang pag-aalala nito. "Nginitian mo lang ako? Pasaway kang bata ka! Akala ko mawawala ka na ng tuluyan sa'min. Ayoko ng maulit ang nangyare sa'yo noon." inis na inis ito kaya naman naiyak na lang ito sa harapan ko. Niyakap ko siya at inalo. Nakita ko naman si Dad na nagkibit-balikat lang. Ano nga ba ang nangyare sa akin noon? Ang madalas lang nilang sabihin sa akin naaksidente ako pero wala na silang nabanggit na iba tungkol doon. Hindi na rin naman ako nagtanong dahil ramdam ko ayaw pag-usapan iyon ni Mommy. Mahigit isang oras din naroroon ang parents ko bago nagpasyang umuwi para kumuha ng ilang gamit ko. Si Dad naman babalik pa ng office babalik na lang daw after ng meeting.

Kaaalis lang nila mom dumating naman ang maiingay na Zairin boys. Akala ko pa naman makakapag pahinga na ako. Mas lalala yata ang nararamdaman ko dahil sa mga 'to. Sumakit bigla ang ulo ko.

"Tumigil ka na nga Niko. Ang ingay mo talaga kahit kailan." sabi ni Yuki na isa din namang maingay.

"Mas maingay ka kaya sa'kin, Yuki walang mata." nagtawanan naman ang lahat sa kakulitan ng dalawa.

"Okay na pala si Renz nagkamalay na siya kani-kanina lang." baling naman sa'kin ni Luke. Tumango tango naman ako.

"Mabuti naman okay na siya. How about Patty?" seryosong tanong ko naman. Bigla tumahimik ang lahat ng marinig ang tanong ko.

"Wala pa rin siyang malay dude."

"Nakakaawa nga ang itsura ni Pat-Pat e. Namumutla at may mga galos sa mukha, sa mga braso at sa binti." sabay sabay na bumuntong hininga ang mga ito. Makikitang sobrang lungkot nila maging ako naman, nag-aalala rin para kay Patty. Ilang minuto lang naman silang tumambay sa kwarto ko umalis na rin sila para makapagpahinga ako. Ngayong wala na sila, sobrang tahimik naman hindi rin ako makatulog. Sana maging okay na si Patty. Iniisip ko ang huling sinabi ni Vince. Ano nga kaya ang nangyare? Bakit biglaan naman nagkaroon ng sunog sa kwarto ng mga ito. Hindi ako mapakali kaya naman kahit bawal, umalis pa rin ako sa kwarto ko para pumunta sa room ni Patty. I need to see her. Pagpasok ko pa lang doon nakita ko na naroroon si Lina, her friend na nakaupo at tinititigan lang si Patty. Lumingon ito sa gawi ko ng maramdaman ang prisensiya ko at natatarantang tumayo sa pagkakaupo. "M-mabuti o-okay ka na P-prince. Kamusta na ang p-pakiramdam mo?" anito na nauutal.

"Okay na ako, 'wag kang mag-alala. Gusto ko lang makasiguro na okay lang si Patty."

"Ah! Oo, okay naman na daw siya sabi ng doctor pero wala pa rin siyang malay hanggang ngayon." tinitigan ko ito ng mabuti habang nagsasalita at ramdam kong sincere ito sa pag-aalala kay Patty. I think mali ako ng inisip sa kanya. Akala ko ito ang may kagagawan ng sunog.

Maya maya lamang umalis ito at lumabas para bumili daw ng makakain. Umupo ako sa tabi ng kama ni Patty ng hindi inaalis ang tingin sa dalaga. She look so pale, tama nga ang sinabi ni Vince ang dami nitong sugat. Hinawakan ko ang kaliwang kamay nito at tinitigan lang ang dalaga.

Nang malaman ko na nasa loob mismo ng kwarto si Patty ng nasusunog na guess house na iyon. Bigla akong kinabahan hindi ko maipaliwanag pero nakadama ako ng takot. I run as fast as I can para lang makarating sa kinaroroonan ng kwarto ng dalaga. Una kong inilabas si Renz na nauna na palang pumunta doon pero naabutan ko itong nakabulagta na sa sahig at walang malay. Bumalik ako sa loob ng madala ko na siya sa loob at may nag-aasikaso ng nurse. Pinigilan pa ako nila Niko at Lance at ng iba pang Zairin pero dire-diretso akong bumalik sa loob. Hindi ko na naisip ang pwedeng mangyare din sa'kin. Sobrang kabog ng dibdib ko. Ang nasa isip ko lang ng mga oras na iyon ay mailigtas si Patty. Halos gibain ko na ang pinto para lang makapasok sa loob. And when I did, kinain ng sobrang kaba ang dibdib ko. I saw Patty lying in the floor na pawis na pawis habang nakadapa at walang malay. Mabilis na lumapit ako sa kanya at pinilit na pamulatin ito, sobrang takot ang naramdaman ko. Nakahinga naman ako ng maluwag ng magresponse amg dalaga. Buti buhay pa ito. Nagulat ako ng hinawakan niya ang mukha ko pero ang mas ikinagulat ko ang marinig ang huling sinabi nito. 'I miss you... Gelo.'

Paano niya nalaman ang second name ko? Sino ka ba talaga Patty?


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.